Tuesday, November 15, 2011

Nahulog na naman ako sa MALING TAO.
Masakit. Malabo. Maling-mali.
OUCH.

Jeez.

Why does it hurt this much? ='(

Bakit ganun?





Akala mo pwede pa, yun pala hindi na.


Akala ko hindi ako tatablan, yun pala sapul sa puso.


Akala ko gagawin ko lahat para bumalik siya, yun pala nagpalagay na siya ng STOP SIGN sa kalsada.


Akala ko may nararamdaman pa siya, yun pala akala ko lang pala.


Akala ko magiging masaya puso ko this year, yun pala hindi pa


Akala ko pwede ko siyang gawing huling taong iibigin ko, yun pala ayaw niya.


Akala ko mahahawakan ko ulit kamay niya ng matagal, hindi na pala maaari.


Akala ko pwede ko na siya matitigan ng matagal, yun pala mawawala din siya.


Akala ko magiging akin ulit siya at magiging sa kanya ulit ako , yun pala ako lang ang may gusto.


Ang dami kong akala, bakit di pa rin ako makabitaw.


Kaya eto na, bibitawan na kita...
Papakawalan ko na lahat ng plano ko para sa atin,
Mahirap man gawin, pero alam ko para sa ikabubuti din natin ito..


Eto na talaga, Salamat sa lahat.
Pinapakawalan na kita.


*--*